Madalas nating mapanood o mabasa ang tungkol sa mga babaylan, na kadalasa'y mga kababaihang may kapangyarihang ispiritwal. Pero hindi lang sila mga tauhan sa mga kuwento.<br /><br />Noong sinaunang panahon, bago sakupin ng mga Kastila at tawaging Pilipinas ang ating mga isla, ang mga babaylan ang katuwang ng mga pinuno sa pamamahala ng pamayanan.<br /><br />Kilalanin natin nang mas maigi ang mga babaylan sa video na ito!
